7 turista sa Fiji Island, na-ospital dahil sa umano’y alcohol poisoning

7 turista sa Fiji Island, na-ospital dahil sa umano’y alcohol poisoning

PITONG mga turista ang dinala sa ospital dahil sa umano’y alcohol poisoning sa isang resort sa Fiji, isang tropical island sa Oceania.

Sa ulat na natanggap ng Fiji Government, biglang sumama ang pakiramdam ng mga turista matapos uminom ng cocktail.

Tiniyak naman ng Fiji Government na isolated incident ito at hindi dapat ikabahala ng mga turista.

Sa kabila nito ay ipinangako pa rin nila lalong-lalo na ang management ng resort na imbestigahan ang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble