70% ng mga pumapasok na sigarilyo sa bansa smuggled—Jess Arranza

70% ng mga pumapasok na sigarilyo sa bansa smuggled—Jess Arranza

SA isinagawang Global Anti-Illicit Trade Summit South-East Asia na ginanap sa Shangri-La Taguig, harap-harapang sinabi ni Ph Industry Chairman Jesus ‘Jess’ L. Arranza kung gaano kalala ang smuggling sa bansa.

Sa forum, kasama nito sa panel ay ang Bureau of Customs (BOC).

Aniya, pagdating sa sigarilyo, 70% ng mga consumed cigarettes ay smuggled.

Ibig sabihin, talo ang bansa pagdating sa kita dahil sa mga smuggled na produkto.

Sayang aniya na itinataas ang buwis sa sigarilyo pero nanatiling mababa ang kita ng gobyerno dahil sa smuggling.

Ang masaklap pa aniya, walang napaparusahan dahil sa smuggling.

Sa kabila nito, naniniwala si Arranza, na kaya pang matigil ang smuggling.

Kailangan lang aniya na sa vessel pa lang, mula sa point of origin ng produkto ay maideklara na ang laman at quantity na inilo-load dito, bagay na matagal niyang inihihirit sa Customs.

Nilinaw naman nito na hindi niya kinakalaban ang BOC at tumutulong lamang sa pagsugpo ng smuggling sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter