NAKATANGGAP ng livelihood training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nasa pitumpung persons deprived of liberty (PDLs) ng Northern Samar Provincial Jail.
Saklaw ng inialok na training ay coconut water vinegar and kalamansi-juice making, basic wiring at entrepreneurship.
Kung makakalaya na ang mga ito ay tiyak na magagamit nila ang kanilang livelihood training ayon sa Provincial Jail Warden.
Ang mga PDL na nag-graduate sa livelihood training ay binigyan naman ng care packages ng TESDA na naglalaman ng mga kumot at grocery items.