70% tour discount, handog ng Bohol LGU para sa mga turista

NAGLUNSAD ng kauna-unahang tourism campaign ang local na pamahalaan ng Bohol upang mahikayat ang mga turista na bumisita ng probinsiya.

Kaugnay nito, aabot sa 70% discount ang maaaring ma-avail ng mga magbabakasyon sa Bohol.

Kalahok dito ang nasa 13 resorts, hotels at tourism accommodation establishment, 1 adventure park at 6 na local tour operators na pawang mayroong certificate to operate mula sa Department of Tourism (DOT).

Tatagal ang naturang “Balik sa Bohol” campaign hanggang sa Marso 14.

Para sa mga interesadong maka-avail ng Balik Bohol sale, bisitahin lamang ang traveloco.ph/balikbohol upang makita ang mga room rate at iba pang tourism services offer.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.