700-K halaga ng Kush, nasamsam ng PDEA mula sa Indian National

NASAMSAM ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 700-K halaga ng Kush mula sa Indian National sa mga kontroladong delivery ops.

Humigit-kumulang 500 gramo ng Kush (Hybrid type of Cannabis) na nagkakahalaga ng Php 675,000.00 ang nasabat mula sa isang Indian National kasunod ng kontroladong delivery operation sa Malate, noong Lunes ng hapon Disyembre 13, 2021

Batay sa report ni Regional Director Region 3, Brian Babang, kay Director General Wilkins M. Villanueva kinilala ang naarestong claimant/consignee na lalake na si Yogesh Sahijwani, Indian National, may asawa, 40 taong gulang, residente ng DB Building, 2532 Lemery St. Unit 3C  Malate, Manila.

Ayon kay Babang ang operasyon ay isinagawa ng anti-narcotic operatives mula sa PDEA Bulacan Provincial Office, PDEA Clark AIU, PDEA Manila DO, BOC, Malate Police Station (MPD), at Malate SDEU.

Nabatid na ang mga Kush ay itinago sa loob ng isang berdeng kahon mula sa Washington, USA. Dumating ang kahon sa Clark Port of Clark noong Disyembre 03, 2021 at naka pangalan kay Yogesh Sahijwani.

Ang subject package ay naglalaman ng 15 pack ng transparent plastic na naglalaman ng 500grams ng Kush na nagkakahalaga ng Php 675,000.00.

Nakuha rin sa consignee ng India ang company ID; BIR ID;  at isang (1) unit ng iphone 11.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.

SMNI NEWS