IBINUNYAG ng United Nations na aabot sa 700,000 mga katao ang umalis o nagsilipat sa ibang lugar sa Sudan dahil sa malawakang girian ngayon sa Khartoum.
Nasa 150,000 naman ang tuluyang nilisan ang bansa dahil dito.
April 15 nang sumiklab ang girian sa pagitan ng hukbo ni Army Chief Abdel Fattah Al-Burhan at deputy nito na si Mohamed Hamdan Daglo.
Si Daglo naman ang pinuno ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF).