71-M commuters, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’

71-M commuters, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’

INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na hindi bababa sa 71 milyong commuters ang nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ program sa mga public utility vehicles (PUV).

Ang ‘Libreng Sakay’ program ay sa ilalim ng nationwide service-contracting program (SCP) ng pamahalaan upang makatulong sa mga PUV operators at drivers pati na sa mga pasahero.

Sa pahayag ng DOTr, nasa higit 71,200,000 na pasahero na ang naserbisyuhan ng nasabing programa hanggang noong Hunyo 20 sa ilalim ng SCP Phase 3 ng ahensya.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakatakdang magtapos ang ‘Libreng Sakay’ program sa Hunyo 30, ang huling araw ng panunungkulan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter