Isinasagawang infrastructure projects sa Camp Olivas, 75% ng tapos

INAASAHANG mapapakinabangan na sa buwan ng Hunyo ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH ang 75% ng tapos na infrastructure projects sa Police Regional Office 3 headquarters sa Camp Olivas, Pampanga.

Sa pangunguna ni DPWH Secretary Mark Villar, sinuri ang 500-lineal meter na konstruksyon ng isinasagawang infrastructure projects sa Police Regional Office 3 headquarters sa Camp Olivas, Pampanga access road na isang malaking tulong sa transportasyon.

“The PhP23 million road construction project will create considerable impact not only to the community within the camp, but also to the public with significant reduction in the travel time to facilitate effective and credible police service and speedy response when needed.” Saad ng cabinet official.

Sa ngayon, nasa 75% na umano ang natapos sa nasabing proyekto at inaasahang matatapos sa buwan ng Hunyo ngayong taon ayon sa DPWH Pampanga 1st District Engineering Office.

Layunin ng proyektong dagdagan ang kapasidad ng mga kalsada para sa maayos at magaan na exchange and transport patungo sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at maging bahagi ng planong pagsuporta sa mga lokal na negosyo sa lugar.

Patuloy din ang isinasagawang pagsasaayos para sa rektang konek – aksyon agad, regional headquarters support unit at regional barracks buildings.

Sa kabuuang halaga na PhP68.712 million pesos, nasa 42% na itong tapos at tuluyang matatapos sa third quarter ng 2021.

“The reconstruction of existing building facilities will improve the overall condition of the headquarters, ensure safety and security, and create a conducive working environment for the Philippine National Police (PNP) personnel and other occupants.” Pahayag ni Villar.

Samantala, ayon kay Police Regional Director PBGen. Valeriano de Leon naging posible ang pagde-develop ng camp drainage at iba pang imprastraktura sa pamamagitan ng DPWH-PNP convergence program at suporta ng pro 3 stakeholder.

(BASAHIN: Oras sa pagbubukas sa mga public market sa Pampanga, pinaikli)

SMNI NEWS