NASA 70 hanggang 75 porsyento sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Mindanao ay mga Indigenous People (IPs) ayon sa ipinahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ng NTF-ELCAC.
Ayon kay Esperon, Jr., patuloy na nililinlang ng komunistang grupo ng New People’s Army (CPP-NPA) ang Indigenous People (IP) at binabago ang pang-unawa ng mga ito para lang mapunan ang kanilang mga ranggo lalong lalo na sa Mindanao.
Aniya, nakukuha ng komunistang teroristang grupo ang kanilang mga tao gamit ang tinatawag na paaralan ng NPA kung saan pinapangakuan ng magandang kinabukasan pero puro kasinungalingan lang pala.
Kabilang sa binanggit ni Esperon na mga nasabing paaralan ang Salugpongan, Tribal Indigenous Filipino Phil-Surigao del Sur, Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development, at ang Community Technical College of Southern Mindanao.
Ayon naman sa datos ng 10th Infantry Division, nasa 87% na mga sumuko na mga rebeldeng NPA ay mga IPs.
Ipinakita rin ng datos na halos nasa Grade 3 hanggang Grade 6 lang natapos ng mga nire-recruit.
Ayon pa sa imbestigasyon, ang mga paaralan na ginagamit ng NPA ay walang maipakita na tamang edukasyon para sa kanilang estudyante, wala silang tinatawag na “learners number”.
Maliban pa dito ay ginagawa ngayon ng Save our School ay pangangalap ng pondo sa pamamagitan ng maling impormasyon sa international community, na ipinapalabas na hindi inaasikaso ng gobyerno ang IPs.
(BASAHIN: Anti-communist groups, nagdaos ng rally at nanawagang pauwiin ng Pilipinas si Joma Sison)