MAAARING malikha sa energy sector ng bansa ang 75,000 na trabaho ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Inaasahang makapagbibigay ng nasa 75,000 trabaho ang sektor ng enerhiya para sa taong ito sa kabila ng walang kasiguraduhang investment pledges ayon sa DOLE.
Ito ang ibinahagi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, matapos wala pang investment pledges mula sa mga bansang Germany, Singapore US at Netherlands na dumating sa bansa.
Ngunit nilinaw naman nito na hindi madali ang prosesong dadaanan upang makuha ang mga ipinangakong pledges ng mga nasabing bansa.
Sa ngayon, kasalukuyang nakikipag-ugnayan and DOLE sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Energy (DOE) upang malaman kung ano-ano ang mga proyektong maaaring paggamitan ng mga manpower.