77% na bahagi ng bansa, makararanas ng tagtuyot sa 2024—PAGASA

77% na bahagi ng bansa, makararanas ng tagtuyot sa 2024—PAGASA

TINATAYANG ang taong 2024 ang magiging isa sa pinakamainit na taon sa buong kasaysayan ng Pilipinas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dahil sa El Niño ay tinatayang 77%  rin ng bansa ay makararanas ng tagtuyot sa Mayo 2024.

Ayon kay PAGASA Climate Impact Monitoring and Prediction Section Chief Analiza Solis, aasahan ang malaking pagbaba ng ulan sa unang dalawang quarter ng 2024. Hinihikayat na rin ng PAGASA ang sektor ng kalusugan na maghanda para dito.

Ipinanawagan na rin ni Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo na paghandaan ang posibleng power shortage sa Mainland Luzon dahil sa El Niño.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng tagtuyot ang probinsiya ng Batangas, Cavite at Oriental Mindoro sa pagtatapos ng 2023.

Ang peak ng El Niño ay nararanasan ng Pilipinas nitong Nobyembre 2023 at inaasahang magtatagal hanggang Enero 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble