IPINAMALAS ng 77th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang kanilang combat skills at hindi matatawarang dedikasyon sa kanilang mandato sa katatapos lang na Philippine Army Combined Arm Training Exercise (CATEX) “Katihan” na nagsimula noong Marso 1 at nagtapos nitong Marso 16.
Ang nasabing pagsasanay ay ginawa kaugnay sa Land Maneuver Concept para sa Territorial Defense Operations ng militar.
Pangunahing layunin nito na masanay ang nasabing battalion sa kanilang papel bilang maneuver unit na bahagi ng mas malaking puwersa sa offensive at defensive operations.
Sa buong training exercise, ang 77th IB ay sumalang sa command and control, maneuver, civil-military operations, force protection capabilities, at iba pa.
Ang ipinamalas na galing ng 77th IB sa kakatapos lang na (CATEX) “Katihan” ay patunay na sila ay tapat sa tungkulin upang protektahan ang teritoryo ng bansa.