7,000 OFW, nakatakdang pauwiin sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto

7,000 OFW, nakatakdang pauwiin sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto

HINDI bababa sa 7,000 Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng COVID-19 pandemic ang iuuwi sa bansa ngayong buwan sa pamamagitan ng repatriation program ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola, nasa 7,060 na OFWs ang nakatakdang iuwi sa bansa ngayong Agosto.

Hanggang noong Agosto 7 ay nasa 408,911 na Pinoy na ang naiuwi ng DFA sa bansa simula nang magsimula ang programa nito noong Pebrero ng nakaraang taon.

Ang mga repatriates ay binubuo ng 303,304 na land-based workers at 105,607 sea-based workers.

Kabilang na dito ang mga mangggawang na-expire ang visa at may medical condition maging ang mga nagbubuntis.

SMNI NEWS