INAASAHANG nasa pitong milyong Pilipino ang bibiyahe sa pamamagitan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at iba pang pantalan ngayong holiday season.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang pagdagsa ng mga biyahero ay magtatagal hanggang sa unang dalawang linggo ng Enero 2025.
Para matugunan ang pagdagsa ng mga biyahero ay pinalawig na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bisa ng special permits para sa public utility vehicles hanggang January 10, 2025.
Sa unang abiso ay mula Disyembre 20 hanggang Enero 4 sa susunod na taon lang sana magiging valid ang kanilang special permits.