8% economic growth para sa 2025, mukhang hindi maabot—NEDA

8% economic growth para sa 2025, mukhang hindi maabot—NEDA

AMINADO ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring hindi makamit ng Pilipinas ang hanggang walong porsiyentong target na economic growth para sa taong 2025.

Ito’y dahil nananatiling hindi tiyak ang sitwasyon sa pandaigdigang kalakalan lalo na’t mayroong pinakabagong taripa na ipinataw si US President Donald Trump sa mga export ng iba’t ibang bansa kasama na ang Pilipinas.

Ngayon, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang mas realidad aniya na economic growth target ay 6 percent.

Binigyang-diin naman ni Balisacan na mas mainam kung matutukan pa ng Pilipinas ang exportation kasabay ang pagpapasok ng investment upang makamit ang paglago na inaasam-asam para sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble