Isa pang kawani ng DOJ, nagpositibo sa COVID-19; main office, nanatiling sarado

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa pang empleyado ng Department of Justice (DOJ) na dumagdag sa kabuuang kaso na 27 hanggang ngayong araw, Marso 17.

Kahapon ay naitala ang walong bagong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado ng tanggapan.

Dahil dito, nasa siyam na ang aktibong kaso sa tanggapan ng DOJ ngayong buwan ng Marso.

Patuloy ang 50% workforce ng ahensiya habang working from home ang ibang mga kawani bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng virus.

Nanatili pa ring sarado ang main office at mga karugtong na opisina ng DOJ simula pa noong Marso 12 para sa disinfection.

“We have a new case today as of 9:30 (a.m.), so our total number of cases is 27. Since last year the DOJ has had 26 cases including the eight cases yesterday. The eight case are active cases and we have been monitoring them for the last three weeks,” ayon kay DOJ spokesperson, Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar.

Ayon kay Villar, may nasawi nang empleyado ng DOJ dahil sa ibang dahilan matapos maospital dahil sa COVID-19.

“We have been strictly observing all the safety protocols on social distancing, wearing face masks and face shields, and hand washing. We also make sure that we have enough supplies of face masks/ shields and alcohol. We have alcohol dispensers in all common areas,” ani Villar.

SMNI NEWS