8 lugar sa bansa, positibo sa toxic red tide –BFAR

8 lugar sa bansa, positibo sa toxic red tide –BFAR

POSITIBO ang walong coastal areas sa bansa sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide.

Sa shellfish bulletin, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish, kabilang ang alamang na kinuha sa sumusunod na mga lugar:

  • Coastal waters ng Milagros, Masbate
  • Coastal waters ng Panay, Capiz
  • Coastal waters ng President Roxas, Capiz
  • Coastal waters ng Pilar, Capiz
  • Coastal waters ng Dauis, Bohol
  • Coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol
  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
  • Lianga Bay sa Surigao del Sur

Habang ligtas naman kainan ang iba pang seafood na mula sa nasabing mga lugar basta’t tiyakin lamang na sariwa, huhugasan nang mabuti, at aalisin ang internal organs nito bago lutuin.

Samantala, sinabi ng BFAR na ligtas naman  sa toxic red tide ang Irong-Irong at San Pedro Bays sa Samar.

Follow SMNI NEWS in Twitter