ISINAILALIM ng Department of Health (DOH) sa “Alert Level 4” ang 8 lungsod sa Metro Manila at 20 iba pang lugar sa bansa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 at hospital occupancy rate.
Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibig sabihin ng Alert Level 4 ay ang isang lugar ay moderate-to-critical-risk sa COVID-19 at may 70% o pataas na healthcare utilization rate.
Ani Vergeire, ang mga lungsod sa NCR na nasa ilalim ng naturang alerto ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati, at San Juan.
Inilagay din sa kaparehong alert level ang ilang lugar sa Cordillera Region at Region 1, 2, 3, 4a, 6, 7, 8, 10, 11, at 12.
Ianunsyo ito ni Vergeire sa unang araw ng pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.
Samantala, nagbigay ang DOH ng update sa 116 bagong kaso ng Delta sa bansa.
Sinabi ng ahensiya, gumaling na lahat ang 116 na bagong kaso ng Delta variant na iniulat nito kahapon.
Ayon kay kay vergeire, sa nasabing bilang, 95 dito ay local cases, isa ay returning overseas Filipino habang ang 20 ay for verification pa.
Nasa 64 aniya sa mga kaso ay lalaki at ang edad ay nasa 5 hanggang 79-anyos.
Sa ngayon ay inaalam pa aniya ang vaccination status ng mga tinamaan ng Delta variant.
BASAHIN: WHO, hinimok ang Pilipinas na paghandaan ang supply ng oxygen sa gitna ng banta ng Delta variant