MAAAPEKTUHAN ang nasa 8-M customer ng Meralco sa ipatutupad na rate hike ngayong buwan.
Sa anunsiyo, P11.9168 per kilowatt hour ang itinaas kumpara sa P11.3430 noong Enero.
Katumbas ang rate hike ng P115 para sa komukunsumo ng 200 kilowatt hour at P172 para sa komukunsumo ng 300 kilowatt hour.
Sa pahayag ni Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, ang dahilan ng rate hike ay ang pagtaas sa presyo ng gasolina lalo na sa import liquefied natural gas na ginagamit para makapaglikha ng kuryente ang sanhi ng rate hike.
Sa kabila nito, ipinahiwatig ng Meralco na hinahanapan nila ng paraan upang mapagaan ang mga bayarin ng kanilang humigit-kumulang na 8-M customers.