WALO pang mga turista ang hinuli sa Boracay Island matapos nagsumite ng pekeng swab test results.
Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, nahuli ang walo sa tatlong makakahiwalay na resorts sa isla at dinala na sa isang hotel kung saan sila isasailalim sa mandatory quarantine.
Sinabi ni Ibarreta na sasagutin ng mga nahuli ang accommodation cost para sa kanilang quarantine.
Kinumpirma rin ng mga otoridad na ginamit ng mga ito ang pangalan ng St. Luke’s Medical Center sa pekeng dokumento na kanilang isinumite.
Noong nakaraang buwan, anim na turista mula Maynila ang nahuli ring nameke ng kanilang swab test results.
Una nang ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government sa PNP na arestuhin at panagutin ang mga mapapatunayang nameke ng kanilang swab test results.