ARESTADO na ang walo sa sampung mga bilanggong nakatakas sa Malibay Detention Facility sa Pasay City ayon sa Southern Police District.
Ayon sa SPD, nahuli na ang mga nakatakas na bilanggo na sila Joey Hernandez, Eden Garcia, Tirzo Galit, Joshua Panganiban, Romeo Estopa Y Marasigan, Christian Salvatierra, Carlo Magno Benavidez Y Legaspi at John Michael Cabe.
Samantala, patuloy na tinutugis sila Richard dela Cruz at Norman Deyta Y Punzalan.
Nag-aalok naman ang kapulisan ng 100,000 na pabuya para sa bawat isang nakatakas na bilanggo.
Habang P30, 000 naman bawat detainee ang alok ni Pasay City Mayor Imelda “Ime” Calixto-Rubiano.
Maaaring dumulog sa pinakamalapit na police station o mag-report sa mga numerong 09568005277 at 09985987922 kung mayroong impirmasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga nakatakas na bilanggo.