8 sites sa bansa, isinumite para mapabilang sa UNESCO World Heritage

8 sites sa bansa, isinumite para mapabilang sa UNESCO World Heritage

WALONG sites ang isinumite ng Pilipinas kamakailan para mapabilang sa World Heritage Sites ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Kasama rito ang sugar cultural landscape ng Negros at Panay; Taal Volcano sa Batangas; Intramuros, Manila; Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa San Francisco, Agusan del Sur; at maging ang Kitanglad, at Kalatungan Mountain ranges sa Bukidnon.

Maging ang itinuturing na sacred sites sa Bukidnon; Samar Island Natural Park; extension ng Cordillera Rice Terraces; at extension ng Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary- Pujada Bay sa Davao Oriental.

Sa ngayon, nasa anim pa lang na sites sa bansa ang pasok sa UNESCO at ito ang mga Baroque Church sa buong Pilipinas; Vigan, Ilocos Sur; Cordillera Rice Terraces; Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary; Puerto Princesa Subterranean River; at Tubbataha Reefs Natural Park.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble