8,000 pulis, ipinakalat sa Metro Manila sa pagsisimula ng MECQ ngayong araw

8,000 pulis, ipinakalat sa Metro Manila sa pagsisimula ng MECQ ngayong araw

IPINAKALAT sa Metro Manila ang 8,000 pulis simula kaninang madaling araw upang tiyakin ang seguridad sa mga itinalagang quarantine checkpoints.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, babantayan nila ang North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) kaya asahan na ang pagbigay ng daloy ng mga sasakyan.

Pinayuhan din ng opisyal ang kanilang mga tauhan na mag-ingat upang makaiwas sa COVID-19.

Tiniyak din ng Joint Task Force COVID-19 Shield na mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang ang makakalabas habang umiiral ang MECQ.

Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, tangging APOR lamang ang papayagan na makatawid sa ibang lugar na nasa MECQ.

Habang ipinaalala nito sa mga non-APOR na kung bibili ng mga kinakailangan sa bahay ay gawin na lamang ito sa kani-kanilang lugar.

Una nang inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na muling gagamitin ang quarantine pass sa pagbabalik ng Metro Manila at karatig-lalawigan sa MECQ epektibo ngayong araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.