8,000 tanim na marijuana sa Ilocos Sur, sinira ng mga awtoridad

8,000 tanim na marijuana sa Ilocos Sur, sinira ng mga awtoridad

SINALAKAY at sinira ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang plantasyon o taniman ng marijuana sa Ilocos Sur.

Ayon sa report, inilunsad ang operasyon nitong Miyerkules ng hapon Nobyembre 27, 2024 katuwang ang mga operatiba ng special operations unit 1 (Ilocos Region), National Bureau of Investigation, 1st Provincial Mobile Force Company La Union, Sugpon Municipal Police Station at PDEA La Union Provincial Office.

Ang nasabing plantasyon ay may lawak na 800 sqm na pinagtaniman ng nasa walong libong piraso ng marijuana na may katumbas na halaga ng P1.6M.

Bagamat matagumpay sa nasabing operasyon, bigo pa rin na makahuli ng mga nagtatanim o mga tauhan ng plantasyon na target rin ng mga awtoridad.

Tuloy ang pagsisikap ng PNP na mawakasan na ang pamamamaygapag ng pagtatanim at transaksiyon ng marijuana sa bansa sa pamamagitan ng sunud-sunod na operasyon nito.

“By disrupting marijuana production, this operation delivers a significant blow to the drug trade and reinforces our stance that illegal activities have no place here. Authorities remain committed to building safer communities and a stronger society. The fight against drug-related crime continues with unwavering resolve,” wika ni PBGen. Eleazar Matta, Director, PNP-DEG.

Follow SMNI NEWS on Twitter