800,000 college graduates, hindi nakapagtrabaho dahil sa epekto ng pandemic

800,000 college graduates, hindi nakapagtrabaho dahil sa epekto ng pandemic

MAHIGIT 800,000 college graduates ang hindi nakapagtrabaho at nadagdag sa workforce ng bansa dahil sa quarantine.

 

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), bumagsak ang employment rate sa 33.7 milyon nitong Abril 2020 kumpara sa 41.7 milyon noong nakaraang taon.

 

Nakadagdag pa rito ang maraming Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara at pagsuspinde ng operasyon ng ilang kompanya dulot ng 3 buwang lockdown.

 

Sinabi ni Labor Asst. Sec. Dominique Rubia every year 800,000 college graduates ang nadaragdag sa labor market na hindi nangyari ngayon.

 

Aminado ang DOLE na mas mahirap ngayon ang makahanap ng trabaho dahil nasa 10,000 vacancies lamang ang binuksan ng mga kompanya.

 

Dahil dito pinayuhan ng ahensya ang mga bagong graduates na gamitin ang technology para makapasok sa digital careers lalo na ngayon na karamihan ay work from home.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.