80th IB, may bago nang commander

80th IB, may bago nang commander

OPISYAL nang umupo bilang bagong battalion commander ng 80th Infantry Battalion (IB) si LtCol. Mark Antony Ruby, pinalitan nito sa puwesto si LtCol. Erwin Comendador.

Ang 80th IB ay nasa ilalim ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army na nag-o-operate sa mga lugar na sakop ng Southern Tagalog kagaya na lalawigan ng Rizal at probinsiya ng Quezon.

Isinagawa ang pagpapalit ng liderato sa mismong kampo ng 80th IB sa Sitio Galaxy, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal na pinangunahan naman ni Major General Roberto S. Capulong, ang Commander ng 2ID.

Si LtCol. Comendador ay nagsilbi sa 80th IB sa loob ng dalawang taon na kung saan nagawa nitong pasukuin at nagbalik loob sa pamahalaan ang daan-daang supporters ng komunistang teroristang grupo sa probinsiya ng Rizal.

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni Lt. Col. Comendador ang kaniyang mga tauhan at mga kaibigan sa kanilang suporta at kooperasyon sa kaniyang panunungkulan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble