NAGSASAGAWA na ng search and rescue operations ang ipinadalang 82-man team ng Pilipinas sa Adiyaman, Turkiye na kabilang sa naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol.
Ito ang inihayag ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Raffy Alejandro.
Ayon kay Alejandro, dala ng team ang 13,000 kilo ng cargo kabilang ang medical supplies at iba pang kagamitan.
Tinututukan aniya ng rescue team ang mga gumuhong gusali at iba pang naapektuhan na residente sa lugar.
Sa ngayon, pinagpaplanuhan pa kung kinakailangan ang pagpapadala ng karagdagan o substitute personnel matapos ang 2 linggong misyon sa Turkiye.