84% ng baybayin na naapektuhan ng oil spill, nalinis na—NTF

84% ng baybayin na naapektuhan ng oil spill, nalinis na—NTF

NALINIS na ang 84 porsiyento ng baybayin na naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Batay ito sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pulong ng National Task Force (NTF) on Oil Spill Management sa Camp Aguinaldo ngayong araw.

Ayon sa PCG, mahigit 15 porsiyento na lamang na baybayin na naapektuhan ng oil spill ang kailangang linisin ng mga awtoridad.

Nabatid na tatlong phase ang isinagawang paglilinis kabilang ang pagkolekta sa mga lumutang na langis, pagtanggal sa mga kumapit na langis, at final polishing.

Maliban dito, umayos na rin ang water quality sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter