85% ng councilors sa bansa, suportado ang BBM-Sara tandem

85% ng councilors sa bansa, suportado ang BBM-Sara tandem

AABOT sa 85 porsyento o 14,600 sa 17,177 na councilors sa mga munisipalidad at lungsod sa bansa ang nagpahayag ng solidong suporta sa UniTeam BBM-Sara sa darating na halalan sa Mayo 9.

Ayon ito sa Statement of Support na nilagdaan nina Philippine Councilors League (PCL) Chairman Councilor Danilo Dayanghirang at PCL President Councilor Nelson Sala.

Sinabi pa ng PCL na ang pagpili nila sa UniTeam ay hindi lamang para sa kanilang ikabubuti bagkus para sa lahat ng Filipino.

Naniniwala rin sila na ang UniTeam ang makatutulong sa mga nasa lokal na pamahalaan kung sila ang mananalo ngayong eleksiyon.

Dinala naman ng mga opisyal ng PCL ang kanilang pirmadong Manifesto of Support para sa kandidatura nina presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at running mate na si Mayor Inday Sara Duterte sa BBM headquarters sa Mandaluyong.

Malugod namang tinanggap ni dating MMDA Chair Benhur Abalos Jr., campaign manager ni Marcos, ang pagbibigay ng suporta ng PCL.

Siniguro naman ni Abalos na susuklian ng BBM-Sara UniTeam ang lahat na suporta na ipinapakita sa kanila.

BASAHIN: Huling hirit na suporta sa BBM-Sara tandem bago ang OFW election, ginanap sa Los Angeles, California

Follow SMNI NEWS in Twitter