87 micro small rice retailer sa Central Visayas, nakatanggap ng tig-P15K mula sa DSWD

87 micro small rice retailer sa Central Visayas, nakatanggap ng tig-P15K mula sa DSWD

TUMANGGAP ng one-time cash assistance na nagkakahalaga ng P15,000 ang bawat lihitimong micro rice retailer sa ginawang simultaneous pay-out ngayong araw, Setyembre 14 sa buong Region 7.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 7 at Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa mga piling retailer ng bigas.

“Sa buong Central Visayas, anim (6) ang nakatanggap sa Bohol, labing pito (17) sa Cebu, isa (1) sa Siquijor at dahil lubos na naapektuhan ang Negros Oriental, ito ay may mas mataas na bilang ng benepisyaryo na umabot sa anim na put syam (69) at nagkakahalaga ito ng kabuoang P1,305.00,” ayon sa DSWD Region 7.

Isinagawa ng DSWD ang naturang aksiyon upang maibsan ang pinansiyal na pasanin na kinakaharap ng mga maliliit na rice retailer.

Samantala, sa isinagawang cash assistance sa Carbon Public Market sa Cebu City, walong rice retailers ang nakatanggap ng nasabing tulong.

Sila pala Department of Agriculture (DA) at DTI at si city government they were monitoring us since August 30 regarding sa presyo nga bigas. Since ako noong September 6, nakita nila. I was religiously selling P41.00 at P45.00 kaya lang may limit tig-5 kgs lang per person. Tapos na-monitor nila, kahapon sinabihan nila ako na you are one of the qualified.”

“So maraming, maraming salamat sa ating mahal na Presidente at sa mga kawani ng Department of Agriculture, DTI at Department of Local and Interior Government (DILG) na nag-monitor sa implementation ng executive order (EO). Maraming maraming salamat sa ayuda na 15,000 pesos,” ayon kay Erwin Gok-Ong, DSWD Beneficiary/Retailer.

Ang inisyatiba ng DSWD ay magbibigay solusyon sa pangamba ng mga rice retailer na mapilitang magbenta ng bigas na mas mura, ngunit lugi naman ang kita.

“Hindi namin inaasahan na ‘yung mga losses namin tatapalan, ang amin lang kasi para ang mga tao may mabili pang mura na presyo kasi ngayon need talaga natin ang bigas, isa ‘yun sa need natin. Happy ako sobra Maam,” ayon kay Alejandra G. Paray.

Sa pamamagitan ng ayuda, umaasa ang DSWD na maibsan ang mabigat na pinapasan ng ating micro small rice retailers, bagama’t hindi ito ang pangmatagalang solusyon sa kanilang kinakaharap ngayon.

Ang mahalaga ay naaksiyunan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyaking lahat ng karapat-dapat na benepisyaryo ay makatatanggap ng kinakailangang tulong.

Ang mga hakbang na ito ng pamahalaan ay naglalayong maipagkaloob sa taong-bayan ang dedikasyon ng gobyerno sa pagsuporta sa mga maliliit na negosyante at pagtiyak sa kapakanan ng mga retailer ng bigas sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble