OPISYAL nang idineklarang ‘persona non grata’ ang terrorist communist group (CTGs) na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Visayas Region ng 8,895 na mga local government units (LGUs).
Kasunod ito sa ginawang Civil–Military Operations Coordinating Conference (CMOCC) sa ilalim ng Visayas Command (VISCOM) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Binubuo ang LGUs ng 13 probinsiya, 39 lungsod, 364 na bayan at 8,479 barangay.
Ayon sa mga LGU, sawa na sila sa mga panloloko, panlilinlang, pang-aabuso at kalupitan ng mga CTGs sa kani-kanilang mga komunidad.
Sa ilalim ng Support to the Barangay Development Program (SBDP), umabot na sa 296 projects ang naipatupad sa buong rehiyon, habang aabot naman sa 418 projects and programs ang kasalukuyang ipinatutupad sa nasabing mga LGUs.