MULING magsasama ang Philippine Air Force at US Air Airforce dito sa Pilipinas para sa gagawing Balikatan Exercises.
Tinatayang 3,800 na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 5,100 na US military personnel ang lalahok sa pinakamalaking Balikatan Exercise mula Marso 28 hanggang Abril 8.
PH-US Exercises Balikatan 2022 Activities
MARCH 28, 30, 31, and April 08, 2022
PARTICIPANTS:
Armed Forces of the Philippines: 3,800
US Air Force: 5,100
Gaganapin ito sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kung saan tampok ang maritime security, amphibious operations, live-fire training, urban operations, aviation operations, counterterrorism, at humanitarian assistance and disaster relief.
Karamihan sa mga aktibidad ay gagawin sa Claveria Cagayan gaya ng amphibious operations sa darating na March 30 ngayong taon, habang ang combined arms live fire exercises naman ay gagawin sa Tarlac sa katapusan ng buwan o March 31.
Maliban dito, magsasagawa rin ang AFP at U.S. military ng humanitarian at civic assistance projects kabilang ang pagsasaayos ng apat na elementarya, community health engagements at advanced emergency rescue at life saving techniques.
Sinabi ni AFP Balikatan Exercise Director Major General Charlton Sean Gaerlan na ang pagsasanay ay patunay ng malakas na security relationship ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kasabay din ito ng ika-75 anibersaryo ng security cooperation ng dalawang bansa.
Ipinatutupad naman ang COVID-19 mitigation kung saan kailangang sumunod ang lahat sa regulasyon ng Pilipinas kabilang ang pagsusuot ng face mask at physical distancing.