BINALOT ng makabuluhang mga aktibidad ang ginawang pagdiriwang ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP) sa Thanksgiving Activities nito sa Butig, Lanao del Sur noong Nobyembre 23, 2024.
Nagsimula ang araw sa isang tree planting activity sa likod ng Butig Municipal Hall, kung saan 1,000 seedlings ng Coconut, Lauan, Narra, Nato, Durian, at Jackfruit ang itinanim. Kasama rin dito ang paglalagay ng 30 tree guards para sa Golden Yellow Legumes bilang bahagi ng pagsulong ng kalikasan.
Nagpatuloy ang aktibidad sa pamamahagi ng bags para sa 336 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 10 sa Ma’Ahad Dosonan Al-Arabie Al-Islamie Madrassah School.
Sa huli, idinaos ang Thanksgiving activity sa Covered Court ng Bayabao Poblacion para sa 1,000 benepisyaryo mula sa sektor ng Partners in Peace, Farmers, at Vendors.
Nagpapasalamat ang OVP sa mga katuwang na ahensiya at opisyal na naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito sa Lanao del Sur.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.