8K na kapulisan, ipinadala sa Zamboanga Peninsula para sa eleksyon

8K na kapulisan, ipinadala sa Zamboanga Peninsula para sa eleksyon

NAGPADALA ang Philippine National Police (PNP) ng higit 8,000 kapulisan sa iba’t ibang lugar ng Zamboanga Peninsula upang mas mapaigting pa ang seguridad ng mga mamamayan sa eleksyon sa May 9.

Ayon kay Brig. Gen. Franco Simborio, Director ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office (PRO 9), susuportahan ng mga ipinadalang kapulisan ang Commission on Election (COMELEC) upang masiguro ang mapayapa at maayos na eleksyon sa rehiyon.

Ani Simborio, may ilang security-critical areas na kailangang bantayan.

15 ay nakasailalim sa red category, at 14 sa yellow category.

Sa ilalim ng security classification ng COMELEC, ang red ay may pinaka mataas na peligro habang ang yellow ay may pinakamababa.

 

Follow SMNI News on Twitter