8th International Travel Festival 2023 binuksan sa Cebu

8th International Travel Festival 2023 binuksan sa Cebu

BINUKSAN na ang tatlong araw na International Travel Festival 2023 sa Cebu na nagtatampok sa mahigit 150 exhibitors mula sa iba’t ibang probinsiya sa Visayas maging sa Mindanao, upang itampok ang mga naggagandahang tourist destination na mayroon ang ating bansa.

Ang nasabing travel festival ay binubuo ng National Tourist Organization, mga local government unit, naglalakihang hotels at resorts, airline companies, travel brokers at tour operators.

Layon ng naturang travel festival na mabigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataong manumbalik ang sigla sa pag biyahe at pamamasyal matapos ang halos tatlong taon na pandemya.

Ibinalita ni Usec. Bathan na umabot na sa lampas isang milyon ang bilang ng tourism arrival nitong buwan ng Marso pa lamang.

Ayon kay Usec. Bathan, kadalasan sa mga turistang bumibisita sa bansa ay mga Australians, Canadians, Americans, Japanese, at Koreans.

Patuloy naman na umaasa ang Department of Tourism (DOT) na mas makahahatak pa ng iba pang nationalities na bibisita sa ating bansa bilang pangunahing target market ng turismo.

“In line with the president’s 8 point of agenda and 70 objectives also of Sec. Christina Frasco, being our leader na nanguna sa Department of Tourism, ating na-incorporate dito sa ating National Tourism Development Plan. This is a 6 years plan and program that will lay down the strategies taking into consideration convenience, connectivity and equality.

Convenience- dahil sa pag papaunlad ng ng mga gate way dahil nagbibigay pagkakataon sa mga turistang makapunta sa isang lugar na maraming maghahatid, mas maraming tourist destination, hindi magdudulot ng sobrang abala.

Equality- dahil sinisiguro nito na ang bawat LGU ay mabigyang pagkakataon na maitampok ang kanilang mga produkto,” pahayag ni Usec. Atty. Mae Elaine Bathan, Tourism Undersecretary.

At dahil tuluyan na ngang lumuwag ang mga restriksiyon sa ating bansa matapos ang COVID-19 pandemic, mas napaghandaan ang muling pagbabalik normal ng mga biyahe, maging ang masiglang hotel and resorts industry sa bansa.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng DOT ang ‘Suroy-Suroy Pilipinas – The Philippines Experience’, na hango sa kilala at sikat na ‘Suroy-Suroy Sugbo’ na nagsimula sa Cebu.

Follow SMNI NEWS in Twitter