NASA siyam katao ang pinaniniwalaang namatay sa Rajasthan, India dahil sa heat stroke.
Nilinaw ng state disaster management ng kanilang bansa na kasalukuyan pang inaantay nila ang medical examinations ng mga ito para kumpirmahin ang kanilang hinala.
Nitong Huwebes, Mayo 23 ay nasa 48.8 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa nabanggit na Indian state.
Sa kabilang banda, sa Kerala state ay nasa pito katao ang nasawi kamakailan dahil naman sa sunud-sunod na mga pag-ulan at mga pagbaha.