INAASAHANG makararanas ang siyam na lugar sa bansa ng ‘danger level’ na heat index ngayong araw, Abril 8, 2025.
Ang mga ito ay ang:
- Virac, Catanduanes: 44 degrees Celsius
- Sangley Point, Cavite: 43 degrees Celsius
Habang 42 degrees Celsius sa mga lugar tulad ng:
3. Dagupan City, Pangasinan
4. Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City
5. San Jose, Occidental Mindoro
6. Cuyo, Palawan
7. Roxas City, Capiz
8. Iloilo City, Iloilo
9. Dumangas, Iloilo
Kaugnay rito, mayroon nang interactive heat index mapping and prediction o iHeat Map platform ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang naturang platform ay magbibigay ng real-time heat index data sa buong bansa.
Makikita rin doon ang color-coded alerts upang ipahiwatig ang panganib ng init mula sa cautionary hanggang danger level.
Nagbibigay din ito ng oras-oras na forecasts ng heat index.