9 mula sa 10 Pilipino, nangangamba na mahawaan ng COVID-19

SA pinakahuling survey ng Social Weather Stations, natuklasan na 91% sa mga Pilipino o siyam mula sa sampung Pilipino ang nangangamba na mahawaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Batay sa survey na isinagawa noong Novembre 21 hanggang 25 noong nakaraang taon, mula sa nasabing 91%, 77% dito ang matindi ang pangangamba, habang 14% ang nangangamba na baka mahawaan ito o ang kanilang mga mahal sa buhay sa virus.

Ang percentage ng kasalukuyang survey ay mas mataas ng six points kumpara sa 85% na resulta ng survey noong Setyembre.

Naitala naman sa Visayas ang may pinakamataas na porsyento ng nangangamba na magkasakit ng covid-19, sinundan ito ng Mindanao, Luzon at Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.