9 pulis sa Taguig tinanggal sa puwesto dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao

9 pulis sa Taguig tinanggal sa puwesto dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao

TINANGGAL ngayon sa puwesto ang siyam na Taguig police kasunod sa umano’y pagpasok nila sa isang bahay na walang dalang search warrant noong Pebrero 9, 2025.

Sa paliwanag ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brig. Gen. Anthony Aberin, ginawa ang hakbang upang bigyang-daan ang isang patas na imbestigasyon.

Hindi rin aniya sila magpapakita ng awa laban sa mga pasaway na pulis sakaling mapatunayang may nilabag nga itong karapatang pantao.

Matatandaan na sa isang nag-viral na video hinggil dito, sinasabing palaging nagsasagawa ng mga raid ang mga pulis doon halos tuwing katapusan ng linggo nang walang search warrant.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble