9-taong gulang na batang chess player ng Albay, nakakuha ng gold medal sa Thailand

9-taong gulang na batang chess player ng Albay, nakakuha ng gold medal sa Thailand

ISANG 9-taong gulang na batang lalaki mula sa Albay ang idineklarang kampeon ng 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Kinilala ang batang lalaki na si Bince Rafael Operiano mula sa bayan ng Busac sa Oas, Albay ay kinatawan ng bansa sa internasyonal na kompetisyon mula Nobyembre 4-12.

Dinaig ni Bince ang mahigit sa 20 nitong kalaban mula sa iba’t ibang bansa ng East at Southest Asia.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pagbati ang mga kababayan niya at tinawag si Bince na “Albayano at Pinoy Pride”.

Follow SMNI NEWS in Twitter