9 years old na Filipino-American, nanalo sa Int’l Chess Festival sa U.S.

9 years old na Filipino-American, nanalo sa Int’l Chess Festival sa U.S.

NANALO ng first place ang 9-years old na si Filipino-American Francis Ordanza mula sa International Chess Festival na isinagawa sa Las Vegas, Estados Unidos kamakailan.

Umabot sa 30 ang naging kalaban ni Ordanza subalit nanguna pa rin ito sa event.

Samantala, noong nakaraang linggo ay kinilala ang 10-years old na si Nika Juris Nicolas bilang kauna-unahang female chess player na nabigyan ng National Master title.

Si Nicolas ay kasali naman sa isang chess championships sa Thailand na nagsimula nitong Hunyo 17, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter