AABOT sa 90 former rebels (FRs) ang nagsimula ng bagong landas tungo sa mapayapang buhay.
Ito ay matapos silang opisyal na tinanggap muli ng lipunan sa pamamagitan ng ginawang Presentation of FRs at Ceremonial Turn-over of Firearms.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur at sa pakikipagtulungan ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, Philippine National Police (PNP), at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Committee ng lalawigan.
Layon din ng nasabing hakbang na hikayatin ang mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na sumuko at tapusin na ang armadong pakikibaka laban sa gobyerno.
Sa panayam ng SMNI News kay LtCol. Francis Garello Jr., ang Chief Public Affairs Officer ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, ang nasabing bilang ng mga former rebel na sumuko ay sa lalawigan lang ng Surigao del Sur at ito ang kanilang naitala mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.
“These are all from Surigao del Sur and these 90 former rebels have surrendered for the whole year; nag–surrender ito sila for the year 2024,” wika ni LtCol. Francis Garello, Jr., Chief, Public Affairs Office, PA.
Dagdag pa ni Garello na base sa kanilang datos, wala ni isa sa mga dating rebelde ang naging sangkot sa marahas na gawain ng CPP-NPA-NDF.
“So far as of data na nakita natin, available data na nakuha natin walang kaso because these are all only members usually ang may mga kaso talaga ay ‘yong mga leaders and ‘yong mismong specific na tao na nakilala talaga during sabihin natin may ginawang atrocities,” ani Garello.
Sa isang pahayag, pinuri ni Major General Jose Maria R. Cuerpo II, Commander ng 4th Infantry Division (4ID), ang mga dating rebelde (FRs) sa kanilang desisyon na bumalik sa pamahalaan upang makamit ang kapayapaan at pagkakaisa sa probinsiya ng Surigao del Sur.
“To those who have surrendered, your decision to return to the folds of the law is a significant step in supporting our government’s efforts toward peace and reconciliation in Surigao del Sur,“ ayon kay MGen. Jose Maria Cuerpo II, Commander, 4th Infantry Division, PA.
Kasabay ang panawagan na patuloy nilang gagampanan ang kanilang mandato sa pagsugpo sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupo sa kanilang lugar.
“These recent developments demonstrate the exceptional dedication and commitment of our troops. Rest assured, we will remain steadfast in our mission to combat the CTG (Communist Terrorist Group) and to create peaceful communities that foster progress,” dagdag ni Cuerpo.
Dagdag pa ni Garello na malaking tulong din para sa mga sundalo ang ginawang pagsuko ng mga former rebels dahil nagresulta ito sa paghina ng puwersa ng CPP-NPA-NDF.
“Well unang–una napakalaking tulong in our campaign, in our intent and desire to end local communist armed conflict because the lesser the number of the CTGs the faster na ating mafa–facilitate ang mga peace and development dyan sa Surigao del Sur Province and other nearby provinces,” ani Garello.
Sa huli, nanawagan ang kasundaluhan sa mga rebeldeng grupo na sumuko na at tanggapin ang handog na programa ng pamahalaan para sa kanila.
“We reiterate our call to those remaining communist terrorists group to lay down your firearms and surrender and lets create communities that foster progress and avail the enhanced comprehensive local integration program,” ayon pa kay Garello.
Follow SMNI News on Rumble