UMABOT na sa 92 ang mga narekober na labi mula sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro.
Kasama rin sa mga narekober ang ilang parte ng katawan ayon sa Municipal Government.
Nasa 36 pa rin ang nawawala at nasa 32 ang sugatan.
Matatandaang nangyari ang landslide noong Pebrero 6, 2024 at apat na barangay ang apektado nito.
Ang mga pag-ulan, at mga pagbaha sa Mindanao na naging sanhi naman ng landslide ay nagsimula pa noong Enero 28, 2024.
Dala ng Amihan at trough o extension ng hangin mula sa isang nalusaw nang Low Pressure Area (LPA) ang mga pag-ulan.
Kaugnay rito, nasa 1.5-M katao ang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha na ito partikular na sa Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at Bangsamoro.
Nasa P800-M ang pinsalang dulot nito sa imprastraktura habang nasa P500-M ang pinsalang dulot sa agrikultura.