92% ng mga co-passenger ng COVID-19 variant patient, nakontak na

TUKOY at nakontak na ng otoridad ang nasa 92% ng co-passengers ng isang pasaherong nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang flight ay may lamang 159 na pasahero bukod pa sa lalaking pasyente.

Ayon kay Vergeire, sa 159 na pasahero ay nakontak na nila ang nasa 146 dito ngunit 13 sa mga pasahero ang hindi tinatanggap o hindi sumasagot sa kanilang tawag ng kanilang contact tracing team.

Ani Vergeire, ilan sa mga ito ay nasa quarantine facilities na ng kanilang sariling local government units habang ang ilan naman ay pinayagang sumailalim sa home quarantine dahil sa nakapasa ang kondisyon ng kanilang tinitirhan sa requirements para sa isolation.

Ang lahat ng pasahero ay nakatakda ring sumailalim sa swab test at ang specimen ng mga ito ay sasailalim din sa genome sequencing upang malaman kung positibo ang mga ito sa mas nakakahawang variant ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *