92M Pilipino, target mairehistro sa Philippine ID System ngayong 2022

92M Pilipino, target mairehistro sa Philippine ID System ngayong 2022

TARGET ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro ang 92 milyong Pilipino sa Philippine Identification (ID)System bago matapos ang taong 2022.

Aminado naman ang Philippine Statistic Authority na hindi madali ang pag-iimprenta at delivery ng Phil-ID Card kaya plano ng mga ito na ilunsad o magkaroon ng Mobile National ID para sa mga may smart phone.

Nasa 62M na ng mga Pilipino ang nakapagrehistro sa National ID System simula ng maisabatas ito noong taong 2018.

Sa National ID System mas moderno at Uniform ang indetification system sa pakikipagtransaskyon sa gobyerno at iba’t ibang tanggapan tulad ng paaralan at bangko.

Target ng PSA na bago matapos ang taong 2022 umabot sa 92-M ang maipaparehistro ng pamahalaan.

Pero marami raw ang hesitant o atubili pa magparehistro dahil sa lugar na kanilang kinalalagyan at kawalan ng kapasidad o gamit para sa pagpaparehistro.

“Ang hesitancy o difficulty of doing registration is because they leave far in far flung areas kaya ang ginagawa natin our registration team is coordinating with local government unit or officials para mapuntahan namin sila kasi kits yong ginagamit namin na kasi laki ng maleta at kailangan namin ideally connectivity sa internet and suplay ng kuryente,” pahayag ni Asec. Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician.

Aminado rin ang PSA na pagdating sa release  o delivery ng Phil ID Card sa mga recipient ay talagang may katagalan ito.

“Yong case naman na dahil yong iba naiinip. Kasi meron kaming utang, kumbaga na register na namin 62 million but we have been able to provide or deliver only close to 10 M cards so yong iba nag-aantay, so we tell them and we are working and we tell them that cards will be coming but we have strategy to address this problem na wala silang natatanggap na card,” ani Bautista.

Dahil dito plano tuloy ng PSA na maglunsad ng mobile application  na kung saan pwede nang magkaroon ng Mobile Phil ID ang isang aplikante sa kanilang smart phone habang hinihintay pa nito ang kanilang physical Phil ID Card.

Samantala ang Phil ID card ay mayroon QR Code sa likuran ng ID kung saan embedded na dito ang lahat ng basic at legit na information ng isang indibidwal.

Hindi na rin kailangang magpakita nang kaniyang signature ang isang indibidwal kapag may Phil ID Card.

Kanina ay inilunsad  na ng PSA ang Philsys QR Code Verification System para sa pagbi-verify kung ang isang national ID ay mula at gawa ng Philsys.

Bago matapos ang taong 2022, target ng PSA na maideliver ang mahigit 30M Philcard sa mga recipient.

BASAHIN: Mawawalang national ID, hindi maaaring magamit ng iba —PSA

Follow SMNI News on Twitter