93% ng mga guro at school staff na lalahok sa pilot in-person classes, nabakunahan na

93% ng mga guro at school staff na lalahok sa pilot in-person classes, nabakunahan na

NABAKUNAHAN na ang 93% ng mga guro at school staff na lalahok sa pilot in-person classes.

Nasa 93.2 percent na ng mga guro at school staff na lalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ito ang iniulat ng Department of Education (DepEd) sa isang pahayag ngayong araw.

Ayon sa (DepEd), ito ay para masiguro sa mga guro na ligtas ang mga bata sa panahon ng pagsasagawa ng face-to-face classes.

Sinabi rin ng DepEd na boluntaryo ang pakikilahok ng mga estudyante sa pilot in-person classes kung saan obligado na magbigay ang mga magulang ng written consent na pinapayagan ang kanilang mga anak na sumali.

Kahapon, sinabi ng DepEd na tumaas na sa 90 paaralan ang kasama sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.

SMNI NEWS