UMABOT na sa mahigit 6,000 ang naitatalang kaso sa COVID-19 sa buong Bicol Region matapos na maitala ang 93 panibagong kaso sa lalawigan.
Sa kabila ng mga ginagawang pamamaraan ng mga lokal na pamahalaan sa buong Bicol Region kontra COVID-19, nagpapatuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit sa buong lalawigan.
Pumalo na sa 6,614 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region matapos na madagdagan na naman ito ng 93 nitong nakaraang araw.
Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang Camarines Sur na may 57 mula sa bayan ng Libmanan, 14, 6 sa Naga tig-5 sa bayan ng Camaligan at Pili, 4 sa bayan ng Bato, tig-3 sa bayan ng Baao, Calabanga, Lupi at Pamplona, 2 sa San Jose at tig-1 sa bayan ng Buhi, Canaman, Del Gallego, GOA, Minalabac, Presentacion, Sipocot, Tigaon at Tinambac.
Sumunod ang Sorsogon City na may pinakamataas na kaso na may 20 nagpositibo mula sa 9 na lugar at 16 naman mula sa probinsiya ng Albay.
Samantala, ang probinsiya ng Camarines Sur ay patuloy sa pagbibigay ng tulong na mga pagkain at gamot na siyang pangunahing pangangailangan sa mga evacuation areas matapos makaranas ng malakas na ulan at hangin dala ng Bagyong Bising.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council may 835 na pamilya o 3,000 at 6 na indibidwal ang bilang ng mga evacuees at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga ito dahil sa nararanasan pa ring sama ng panahon sa buong lugar.
Sa kabuuan, ang Bicol Region ay nakapagtala na ng 1,258 na aktibong kaso, 5,096 ang nakarekober na at 259 ang binawian ng buhay.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa publiko na sundin ang “Bida solusyon sa COVID-19 para sa serbisyong salud Bikolnon”.
(BASAHIN: Bilang ng mga inilikas na pamilya sa Bicol Region, nasa mahigit 29-K)