KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na lagpas na sa 73 million Filipinos o katumbas ng 94.41% ng population target ang bakunado o fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Kaugnay nito ay sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na 21 million individuals naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabilang banda ay umabot na aniya sa 6.9 million senior citizens na katumbas ng 79.43% sa target A2 population ang naturukan na ng kanilang primary series.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa lahat na sana ay kumpletuhin ang bakuna pati ang booster shots dahil pinapalakas nito ang paglaban sa nasabing sakit.