94 atletang surfers, nasa Borongan City para sa National Surfing Tourney

94 atletang surfers, nasa Borongan City para sa National Surfing Tourney

KASALUKUYANG nasa Borongan City ang 94 na mga atletang surfers mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa National Surfing Tourney 2023.

Ang mga surfers ay mula sa Aurora, Catanduanes, Camarines Norte, Eastern Samar, Ilocos Sur, Leyte, La Union, Northern Samar, Palawan, Sorsogon, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Zambales na maglalaro sa fourth leg ng tournament na sisimulan sa Pagudpud, Ilocos Norte sa Agosto, tapos sa Calicoan, sa Guiuan sa Setyembre at sa Baler, Aurora ngayong buwan at panghuli sa Cabugao, Ilocos Sur.

Ayon kay Mayor Jose Ivan Dayan Agda, makatutulong ang pag-host nila ng nasabing National Surfing Tourney para i-promote ang surfing site at turismo ng Visayas maging sa internasyonal na lebel.

Maliban dito, host pa rin ang Borongan sa Second National Surfing Summit sa Disyembre 1.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble