95% target cash aid beneficiaries, nakatanggap ng second tranche ng SAP

95% target cash aid beneficiaries, nakatanggap ng second tranche ng SAP

NASA 95% na o mahigit 13.5 million target beneficiaries ng Social Amelioration Program o SAP ang nakatanggap na ng second tranche ng cash aid.

Ito ang inihayag ni DSWD Usec. Danilo Pamonag sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ukol sa mga alegasyon ng implementasyon ng SAP.

Ayon kay Pamonag, nasa P81.1 bilyon na ang naipamahagi sa mga low income families na apektado ng COVID-19 crisis.

Kabilang sa mga nakatanggap ng SAP ang 1.39 milyon na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) families at 6.99 million na non-4P beneficiaries.

Nasa 5.15 milyon naman na waitlisted families ang nabigyan na rin ng cash aid.

Matatandaang sinabi ng DSWD na target ng ahensiya na matapos ang distribusyon ng SAP 2 sa kalagitnaan ng Agosto, mula sa original na July 31 deadline.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.